top of page
bg tab.png

SubayBAYANI Awards 2026: Pamahalaang Bayan ng Angat, Kinilala sa Husay sa Pagpapatupad ng mga Proyekto

11 minutes ago
1 min read

Pormal na kinilala ang Pamahalaang Bayan ng Angat bilang isa sa mga Regional Finalist para sa Best Local Project Monitoring Committee (Municipal Category) sa ginanap na 2026 Central Luzon SubayBAYANI Awards cum Infrastructure Governance Summit sa Widus Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang nakamit na parangal ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng bayan na itaguyod ang transparency, accountability, at maayos na pagsubaybay sa mga proyektong pang-imprastraktura upang matiyak na ang bawat proyekto ay naipatutupad nang maayos para sa kapakinabangan ng mga Angatenyo.


Dumalo sa nasabing pagtitipon upang tanggapin ang pagkilala sina G. Carlos R. Rivera Jr., Engr. Arnel Jr. Trinidad, G. Armando de Guzman, pati na rin sina Mia Grace Noto bilang kinatawan ng Rotaract Club of Angat, at Corazon Pacunla bilang kinatawan ng Angat Development & Credit Cooperative.


Kasabay nito, iginawad din kay LGOO VI Cecil R. Caburnay, ang Municipal Local Government Operations Officer ng Angat, ang Certificate of Commendation bilang pagkilala sa kanyang walang sawang suporta, koordinasyon, at mahalagang kontribusyon sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page