Lakbay-Takbong Angat 2026: Ruta para sa 10K, 5K, 3K, at Fur Run, Inihayag na

Inihayag ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, ang opisyal na mapa ng mga ruta para sa gaganaping Lakbay-Takbong Angat 2026 sa darating na Oktubre 17, 2026.
Magsisilbing opisyal na starting at finishing point ng takbo ang Bagong Munisipyo ng Angat (Angat New Municipal Building / Municipal Grounds).
Para sa mga pangunahing kategorya, ang 10K category ay magmumula sa Bagong Munisipyo patungong Himlayan, Sta. Lucia, Banaban, at magkakaroon ng U-turn pabalik sa parehong daan. Ang 5K category naman ay dadaan sa Himlayan at Sta. Lucia bago mag-U-turn pabalik sa munisipyo, habang ang 3K category ay mag-uumpisa sa Bagong Munisipyo hanggang Sta. Lucia Bridge bago ang pagbalik.

Samantala, isasagawa naman sa Municipal Grounds Loop ang mga pambatang kategorya at ang Fur Run:
Kids 9–15 years old (3K): 6 na ikot (loops)
Kids 3–8 years old (1.5K): 3 na ikot (loops)
Fur Run (1K): 2 na ikot (loops)
Paalala ng Municipal Tourism Office sa lahat ng mga kalahok na pag-aralan at kabisaduhin ang kani-kanilang ruta bago ang araw ng takbo, pati na rin ang pagsunod sa mga alituntunin at gabay ng mga race marshal at opisyal ng aktibidad.










Comments