4th Quarter Meeting ng LYDC Angat, Matagumpay na Idinaos

Patuloy na isinusulong ang makabuluhan at inklusibong pagpapaunlad ng sektor ng kabataan sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng 4th Quarter Meeting ng Local Youth Development Council (LYDC) ng Bayan ng Angat.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga nakalinyang programa at aktibidad para sa nalalapit na pagtatapos ng taong 2026, gayundin ang ulat sa mga naging tagumpay (accomplishments), naisakatuparang proyekto, at inisyatiba ng bawat miyembro ng konseho at ng mga Sangguniang Kabataan (SK) mula sa 16 na barangay ng Angat.

Nagsilbi rin ang pulong bilang pagkakataon upang makapagbahagi ng mga karanasan, maisaayos ang mga susunod na hakbang, at higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga katuwang sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng mas maraming oportunidad at aktibong partisipasyon para sa kabataang Angatenyo.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagkakaisa, patuloy na itinataguyod ng LYDC Angat at ng mga kinatawan ng SK ang isang aktibo, makabuluhan, at responsableng pamumunong kabataan tungo sa mas maunlad na Bayan ng Angat.











Comments