Mataas na Porsyento ng Nabakunahang Mag-aaral sa Angat, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

Pinarangalan at ginawaran ng Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Pamahalaang Bayan ng Angat bilang pagkilala sa mataas na coverage o porsyento ng mga nabakunahang mag-aaral sa isinagawang 2025 School-Based Immunization (SBI) Program.
Ang nasabing pagkilala ay patunay ng epektibong pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa bayan, gayundin ng mahigpit na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, Rural Health Unit (RHU), mga barangay health stations, mga paaralan, at ng mga magulang sa pangangalaga sa kalusugan ng kabataan.
Sa pamamagitan ng mataas na immunization coverage, natitiyak na mas maraming mag-aaral sa Angat ang nabibigyan ng sapat at mabisang proteksyon laban sa mga nakahahawa at maiiwasang sakit.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga inisyatibang pangkalusugan upang mapanatili ang ligtas, malusog, at protektadong kinabukasan ng bawat kabataang Angatenyo.










Comments