Epidemiology and Surveillance Unit ng Angat, Pinarangalan ng Bulacan PHO sa 100% Compliance sa Disease Surveillance Reports

Pinarangalan at ginawaran ng Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), ang Epidemiology and Surveillance Unit (ESU) ng Bayan ng Angat bilang pagkilala sa pagkamit nito ng 100% compliance sa maagap at kumpletong pagsusumite ng mga ulat sa ilalim ng Philippine Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR) – Epidemiology and Disease Control Surveillance (EDCS) para sa Calendar Year 2026 hanggang sa Morbidity Week 40.
Ang nasabing pagkilala ay patunay ng masinop, sistematiko, at napapanahong pagsubaybay at pag-uulat ng mga kaso ng sakit sa bayan—isang mahalagang hakbang upang agad na matugunan at mapigilan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa komunidad.
Sinasalamin din nito ang dedikasyon at kahusayan ng mga kawaning pangkalusugan ng Angat, sa suporta ng lokal na pamahalaan, sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan sa disease surveillance at pangangalaga sa kaligtasan ng publiko.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang maagap at epektibong serbisyong pangkalusugan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayang Angatenyo.










Comments