Congratulations, sa mga Bagong Mag-asawa sa Angat!

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa dalawang bagong mag-asawang pormal na pinagbuklod sa lalawigan.
Kabilang sa mga binati ng lokal na pamahalaan sina G. at Gng. Carlito Jr. at Jonalyn Santos Vicente, pati na rin sina G. at Gng. Jhan Jhan at Mary Rose Fernandez sa kanilang pagpasok sa bagong kabanata ng buhay-may-asawa.

Sa ginawang pagkilala, nawa'y magsilbing pundasyon ng kanilang pamumuhay ang pagmamahalan, pagrespeto sa isa’t isa, at ang patuloy na pagkilala sa Diyos bilang pangunahing gabay at tagapamagitan sa kanilang pagsasama.
Nagparating din ng panalangin ang lokal na pamahalaan para sa masagana, matatag, at pinagpalang pagsasama ng mga bagong kasal na pamilyang Angatenyo.










Comments