Pansamantalang Pagpapasara ng M. Valte Road sa Oktubre 24, Inanunsyo ng MTO Angat

Naglabas ng pampublikong abiso ang Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, hinggil sa isasagawang pansamantalang pagpapasara ng kalsada sa darating na Oktubre 24, 2026 (Sabado).
Ang nasabing temporary road closure ay magsisimula mula 5:30 AM hanggang 7:30 AM bilang pagbibigay-daan sa gaganaping Indakan sa Kalye na isa sa mga pangunahing tampok sa pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026.
Apektado ng nasabing pagpapasara ang kahabaan ng M. Valte Road mula San Roque hanggang Sta. Lucia.
Dahil dito, pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga motorista na planuhin nang maaga ang kanilang pagbiyahe, gumamit ng mga alternatibong ruta, at sundin ang panuto ng mga nakatalagang traffic personnel sa lugar.
Humihingi din ng paumanhin at pasasalamat sa pang-unawa ng publiko ang munisipyo para sa anumang abalang maidudulot nito.










Comments