top of page
bg tab.png

Mayor Reynante 'Jowar' Bautista, Pansamantalang Sinuspinde ang Environmental/Septage Fee ng Angat Water District


Bilang mabilis na tugon sa dumaraming reklamo ng mga mamamayan hinggil sa serbisyo ng tubig, opisyal nang nilagdaan ni Punong Bayan Igg. Reynante 'Jowar' S. Bautista ang Executive Order No. 10, Series of 2026.


Ang nasabing kautusan ay nag-uutos sa pansamantalang pagpapatigil ng paniningil ng environmental/septage fee at lahat ng desludging activities ng Angat Water District (AWD). Ang hakbang na ito ay bunsod ng prinsipyo ni Mayor Jowar na dapat ay maramdaman muna ng mga Angatenyo ang maayos na serbisyo bago magpataw ng anumang karagdagang bayarin.


Batay sa nilalaman ng EO No. 10, ipinag-uutos ang mga sumusunod:

  1. Pansamantalang Suspensyon: Ititigil muna ang paniningil ng environmental/septage fee sa water bill ng mga konsyumer.

  2. Masusing Reassessment: Inatasan ang AWD na magsagawa ng re-evaluasyon sa epekto at paraan ng implementasyon ng nasabing singilin.

  3. Moratorium sa Desludging: Ipinatitigil ang lahat ng siphoning o paghigop ng poso negro habang wala pang bagong direktiba.


Binigyang-diin ni Mayor Jowar Bautista na ang bawat sentimong sinisingil sa mamamayan ay dapat may malinaw na basehan at pakinabang. Kaugnay nito, inatasan din ang AWD na magsagawa ng pampublikong konsultasyon upang matiyak na narinig ang panig ng mga residente bago ang anumang susunod na hakbang.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page