MDRRMO Angat, Sinimulan ang Review ng Disaster Plan ng Barangay
- Angat, Bulacan

- Nov 12
- 1 min read

Pormal na sinimulan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat ang kanilang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Plan Review ngayong araw, Nobyembre 12, 2025.
Layunin ng review na ito na busisiin ang mga plano ng mga barangay upang mapaigting ang kaligtasan ng mga mamamayang Angateño sa panahon ng kalamidad.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), katuwang ang mga miyembro ng Municipal Review Team na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya:
G. Kyle Agay (MLGOO)
Vladimir Trinidad (Municipal Planning and Development Office - MPDO)
Yolanda Rocafort (Municipal Budget Office - MBO)
Gideon Cruz (Municipal Environment and Natural Resources Office - MENRO)
Tiningnan ng Review Team ang mga nilalaman ng mga plano ng barangay para sa mga hakbangin laban sa kalamidad. Dagdag pa rito, inalam din ang estado ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Fund upang malaman ang kapasidad at mga proyekto na naisagawa na ng mga barangay.









Comments