Libreng Frame at Check-up sa Mata sa Nobyembre 12
- Angat, Bulacan

- Nov 11
- 1 min read

Naglabas ng pabatid ang Sangguniang Barangay ng Banaban hinggil sa isang programa na maghahatid ng libreng serbisyo para sa mata sa kanilang komunidad.
Ang programa, na isasagawa sa pakikipagtulungan ng La Vista Optical Clinic (Bonga Mayor, Bustos, Bulacan) at ni Dra. Milagros Cruz, Optometrist, ay gaganapin sa Miyerkules, Nobyembre 12, 2025.
Ang mga serbisyong handog ay:
LIBRENG CHECK-UP SA MATA
LIBRENG FRAME
LENTE LAMANG ANG BABAYARAN SA MURANG HALAGA
Gaganapin ang programa sa Brgy. Banaban Multi Purpose Hall mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM.
Hinihikayat ang mga residente ng Banaban na samantalahin ang pagkakataong ito upang masuri ang kanilang paningin.









Comments