top of page
bg tab.png

908 Indibidwal, Lumikas sa Angat Dahil sa Bagyong Uwan; 11 Barangay, Apektado


ree

Naglabas ng datos si Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista hinggil sa pinakahuling tala ng mga evacuees sa Bayan ng Angat, Bulacan na naapektuhan ng Super Typhoon Uwan. Sa datos na inilabas ngayong araw, Nobyembre 10, 2025, umabot na sa 260 pamilya o 908 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers sa bayan.


Kabilang sa mga barangay na may evacuees ang Sta. Cruz, Sto. Cristo, San Roque, Laog, Niugan, Marungko, Banaban, at Taboc, kung saan ginamit ang mga barangay hall, eskwelahan, at covered court bilang pansamantalang tirahan.


Ayon kay Mayor Jowar, agad na isinagawa ang emergency relief operations at tuloy-tuloy pa rin ang monitoring sa lahat ng barangay upang masiguro ang kalagayan ng mga lumikas. Nanawagan din siya sa mga mamamayan na agad makipag-ugnayan sa mga emergency hotlines kung may kailangang tulong.


Nagpasalamat din ang alkalde kay Cong. Salvador Pleyto para sa agarang pagtugon at pagbibigay ng tulong sa mga evacuees. Hinihikayat rin niya ang mga kababayang may kakayahang tumulong na magbahagi ng kahit kaunting suporta para sa mga nasalanta.


“Sa ganitong panahon ng pagsubok, nawa’y manaig ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa. Itabi muna natin ang paninira at sisihan—ang mahalaga ngayon ay magkaisa tayo sa pagtulong,” pahayag ni Mayor Jowar.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page