Search


Inaabangang Kaganapan sa Angat Ngayong Oktubre 2026, Ipinahiwatig ng BPLO
Nag-iwan ng pananabik at palaisipan sa mga AngateƱo ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Angat matapos itong maglabas ng opisyal na patalastas ukol sa muling pagbabalik ng isang malaking kaganapan sa bayan ngayong darating na Oktubre 2026. Sa isang pahayag mula sa BPLO Angat, pinasalamatan nito ang mamamayan at mga tagasuporta sa ilang taong walang sawang pagtangkilik sa naturang tradisyon. Inilarawan ng tanggapan ang patok at dinadayong okasyon na maghahatid ng
Sep 11 min read
Ā
Ā
Ā


Diwa ng Araw ng mga Bayani, Binigyang-Pugay ng Pamahalaang Bayan ng Angat
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa buong bansa sa paggunita sa Araw ng mga Bayani sa pamamagitan ng pag-aalay ng taos-pusong pagpupugay sa mga Pilipinong nag-alay ng tapang, sakripisyo, at serbisyo para sa inang bayan. Sa mensahe ng pamahalaang lokal, binigyang-diin na ang kabayanihan ay hindi lamang nagtatapos sa mga pahina ng kasaysayan, kundi patuloy na makikita sa pang-araw-araw na buhay sa bawat komunidad. Kabilang dito ang mga magulang na nagsusumikap para sa pam
Aug 311 min read
Ā
Ā
Ā


Mayor Jowar Bautista, Binisita ang mga Evacuees sa San Roque
Agad na nagtungo si Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ngayong umaga sa Angat Municipal Evacuation Center na matatagpuan sa Barangay San Roque upang personal na siyasatin ang kalagayan ng mga pamilyang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig-ilog dulot ng Hanging Habagat. Nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga bakwit habang patuloy ang paghahatid ng tulong at serbisyo ng iba't ibang departamento ng pamahalaang lokal. Nagbibigay ng mga kinakailangang gamot at bitamina
Aug 301 min read
Ā
Ā
Ā


Pagtaas ng Tubig sa Ilog Angat Dulot ng Habagat at Ipo Dam, Tinutukan ng MDRRMO
Personal na binisita ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) ang mga barangay na dinadaluyan ng Ilog Angat upang siyasatin ang kalagayan ng kailugan para sa kaligtasan ng pamayanan. Sa isinagawang pag-iikot ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), naitala ang pagtaas ng lebel ng tubig-ilog dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan mula sa Habagat at sa pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo Dam. Dahil dito, patuloy ang nakatutok na pagbabantay ng MDRRMO sa
Aug 291 min read
Ā
Ā
Ā


Angat Rescue Team Nagsagawa ng River Monitoring; Banaban Bridge 2 Hindi Nadadaanan
Nagsagawa muli ng river monitoring ang Angat Rescue Team mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ngayong hapon August 29, 2026 upang suriin ang kasalukuyang lebel ng tubig sa Ilog Angat at tiyakin ang kaligtasan ng mga residenteng malapit sa baybayin. Dahil sa patuloy na pag-ulang dala ng Hanging Habagat, inihayag ng MDRRMO na non-passable o hindi kasalukuyang nadadaanan ng anumang uri ng sasakyan at mga residente ang Banaban Bridge 2 matapos
Aug 291 min read
Ā
Ā
Ā


Happy Birthday, Konsi Jomar!
Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Sangguniang Barangay ng Sulucan sa pangunguna ni Kapitan Richard Castro Cruz, kasama si SK Chairman Alex Cruz Hernandez at ang mga barangay volunteers, para sa kaarawan ni Barangay Kagawad Jomar Velasco. Pinasalamatan ng pamunuan ng barangay si Kagawad Velasco para sa kaniyang walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at tapat na serbisyo sa kaniyang nasasakupan. Binigyang-diin ng barangay ang mahalagang papel ng kaniyang sipag at pakikipagkai
Aug 291 min read
Ā
Ā
Ā


SSS Palengke Caravan sa Angat, Matagumpay na Idinaos sa Kabila ng Malakas na Ulan
Sa kabila ng masamang panahon at malakas na buhos ng ulan, matagumpay na isinagawa ang SSS Palengke Caravan nitong Agosto 28, 2026 sa Pamilihang Bayan ng Angat sa pangunguna ng Angat Public Market Office. Pinangunahan ni Market Administrator Engr. Lauro Sarmiento, katuwang si Supervisor Gng. Goldilyn D. Santos at ang buong Market Staff, ang pag-oorganisa ng aktibidad kung saan humigit-kumulang 160 na residente at miyembro ng SSS ang nabigyan ng direktang serbisyo ng Social Se
Aug 291 min read
Ā
Ā
Ā


Mabilis na Aksyon ng Lokal na Pamahalaan ng Angat sa Paglikas ng mga Residente, Isinagawa
Agad na umaksyon si Punong Bayan at MDRRMC Chairman Reynante "Jowar" S. Bautista ngayong gabi, matapos makatanggap ng ulat ukol sa pangangailangang ilikas ang mga residente ng Barangay Sta. Cruz at Barangay San Roque dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Ilog Angat. Mabilis na naglabas ng direktiba ang Punong Bayan sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma'am Menchie Bollas, MDRRMO sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., Municipal Nutrit
Aug 291 min read
Ā
Ā
Ā


Oryentasyon sa mga Programa ng OWWA at Pagpapalakas ng OFW Family Circles, ginanap sa Angat
Matagumpay na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat ang "OWWA Programs and Services Orientation & Community Organizing" upang maihatid ang mahahalagang tulong at impormasyon para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga pamilya sa bayan. Nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa aktibidad si Mr. Mark Joseph C. Bondoc, ang Head ng OWWA Reintegration Unit. Sa kaniyang talakayan, ipinaliwanag niya ang iba't ibang benepisyo, tulong-pangkabu
Aug 281 min read
Ā
Ā
Ā


26 na Beneficiaries, Matagumpay na Nakapagtapos sa TESDA Barista NCII Training sa Angat
Ginanap nitong Agosto 27, 2026 ang Training Achievement Ceremony para sa 26 na beneficiaries na matagumpay na nakakumpleto ng TESDA Barista NCII Training sa Conference Hall ng Old Municipal Building sa Angat. Inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat ang naturang programa bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na palakasin ang skills development at magbukas ng mas magagandang oportunidad sa pangkabuhayan para sa mga mamamayan. Pinasin
Aug 281 min read
Ā
Ā
Ā


Dalawang Bagong Mag-Asawa, Pinagbuklod sa Bayan ng Angat
Pinagtibay ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista ang pag-iisang dibdib ng dalawang pares na bagong kasal na ginanap na opisyal na seremonya ng kasalang sibil sa Bayan ng Angat. Ang mga bagong kasal na opisyal nang nagpalitan ng kanilang sumpaan ay sina: Mr. & Mrs. Andrei at Mary Grace Lopez Mr. & Mrs. Reegor at Trisha Nicole Calderon Naging saksi ang lokal na pamahalaan sa mahalagang yugtong ito ng buhay ng dalawang magkapareha, kung saan ipinaabot ng punong bayan
Aug 281 min read
Ā
Ā
Ā


Bulacan Council of DRRMOs, Nagdaos ng Pagpupulong; Angat DRRMO, Pormal na Tinanggap ang Donasyong Kit mula sa Rescue Olympics
Isinagawa ngayong Agosto 28, 2026 ang pagpupulong ng Bulacan Council of DRRMOs Inc. sa City of San Jose Del Monte Disaster Risk Reduction and Management Office Central Command and Training Center Building na pinamumunuan ni Ms. Gina Ayson. Pinangunahan ni G. Peter Vistan mula sa DRRM Office ng Bayan ng Guiguinto ang naturang pagtitipon kung saan tinalakay ang mga susunod na proyekto ng samahan, kabilang ang nakatakdang Rescuelympics para sa paggunita sa Araw ng mga First Resp
Aug 281 min read
Ā
Ā
Ā


Long Weekend is Coming!
Naglabas ng paalala ang lokal na pamahalaan upang ihatid ang masayang balita ukol sa nalalapit na long weekend para sa Araw ng mga Bayani ngayong Lunes, Agosto 31. Bago pa man tuluyang pumasok sa "out of office" at "out of school" mode ang mga residente, hinimok ng lokal na pamahalaan ang lahat na samantalahin ang tatlong araw na pahinga para mag-bonding kasama ang pamilya, mamasyal, at makapag-recharge para sa pagpasok ng bagong buwan. Kasabay nito, ipinaalala rin sa mga mam
Aug 281 min read
Ā
Ā
Ā


Information Education Campaign Ukol sa Disaster Preparedness, Isinagawa sa Barangay San Roque
Nagsagawa ng Information Education Campaign (IEC) activity tungkol sa Disaster Preparedness and Response ang Sangguniang Barangay ng San Roque sa pangunguna ni Kapitan Nerio Valdesco. Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng MDRRMO Angat sa pamumuno ni MGDH I Carlos R. Rivera Jr. at Malou Alborida kasama ang kaniyang koponan. Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga residente sa tamang paghahanda, pag-iwas sa panganib, at wastong pagkilos bago, habang, at p
Aug 281 min read
Ā
Ā
Ā


Barangay Niugan, Nanalo ng 2026 BEST Barangay Award
Isang malaking karangalan ang idinulot ng Barangay Niugan sa Bayan ng Angat matapos nitong makamit ang 2026 BEST (Building Excellence in Service and Transparency) Barangay Award. Ang parangal ay pagkilala sa maayos na pamamahala, transparency, at mabilis na paghahatid ng serbisyo ng barangay sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Roberto Maximo, kasama ang Sangguniang Barangay at mga kawani nito. Pinatunayan ng Barangay Niugan ang kahalagahan ng mga sumusunod: Epesyenteng s
Aug 271 min read
Ā
Ā
Ā





