PNP at LGU Angat, Nag-coordinate sa Sta. Cruz at Sto. Cristo; Mandatory Evacuation, Ipinatupad
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read

Agad na nagsagawa ng inter-agency coordination ang Angat Municipal Police Station (MPS) at ang Lokal na Pamahalaan ngayong araw, Nobyembre 9, 2025, bandang 11:00 AM, upang ipatupad ang paglikas sa mga residente dahil sa banta ng Tropical Cyclone "UWAN."
Pinangunahan ni PCPT JAYSON M VIOLA, OIC ng Angat MPS ang coordination kasama sina Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, ang Municipal Mayor, at si G. Carlos Rivera, Jr., ang MDRRMO.
Direktang nakipag-ugnayan ang mga opisyal kina Kap. Mille "Jun" Cruz ng Barangay Sta. Cruz at Kap. Ernesto "Estong" Sarmiento ng Barangay Sto. Cristo. Ang dalawang barangay na ito ay kabilang sa mga high-risk areas na inabisuhan na lumikas agad dahil sa posibleng pananalasa ng bagyo.
Ang mabilis na pag-uugnayan ng PNP, LGU, at MDRRMO ay naglalayong tiyakin ang agarang kaligtasan ng mga residente, na sumusunod sa adbokasiya ng "Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman."








Comments