PNP at LGU Angat, Nag-inspeksyon sa Tabing-Ilog at Evacuation Centers Laban sa Bagyong Uwan
- Angat, Bulacan

- 23 hours ago
- 1 min read
Agad na nagsagawa ng inspeksiyon at pagsubaybay ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) at ang Lokal na Pamahalaan simula 9:00 AM ngayong araw, Nobyembre 9, 2025, bilang proaktibong hakbang laban sa Super Typhoon "Uwan."
Pinamunuan ni PCPT JAYSON M VIOLA, Officer-In-Charge ng Angat MPS, ang aktibidad. Katuwang niya sina Municipal Mayor Reynante "JOWAR" Bautista at Carlos Rivera, Chief ng MDRRMO.
Kabilang sa isinagawang inspeksiyon at pagsubaybay ang mga sumusunod:
Low Lying Areas: Sinuri ang mga mabababang lugar sa Barangay Sto. Cristo at Barangay San Roque upang matukoy ang lebel ng tubig sa Angat River at ang panganib sa pagbaha.
Evacuation Centers: Binisita ang mga evacuation area at ang iba pang barangay sa munisipyo.









Comments