top of page
bg tab.png

Mayor Jowar, Nag-ikot sa Evacuation Center Para Kumustahin ang mga Apektadong Pamilya


ree

Agad na rumesponde si MDRRM Council Chairman at Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista sa mga apektadong residente ng Bagyong #UwanPH matapos ang isinagawang Disaster Briefing.


Tumungo si Mayor Bautista sa Barangay Sta. Cruz, kung saan personal niyang kinumusta ang kalagayan ng mga pamilya na pansamantalang nananatili sa Evacuation Center ng barangay.

Katuwang sa pag-iikot ang mga tauhan ng MDRRMO Angat at Angat PNP, at patuloy ang kanilang pagsubaybay sa mga barangay na nasa tabing-ilog na mas naapektuhan ng bagyo.


Ang mabilis na pagkilos na ito ay bahagi ng patuloy na koordinasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Angat at ng mga Barangay upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Angateño.


Para sa mga emergency, ang publiko ay patuloy na hinihikayat na tumawag sa Emergency Hotline: 0923-926-3393 o 0917-710-5087.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page