LGU Angat, Nagpulong Bilang Paghahanda sa Bagyong #UwanPH; Evacuation Centers, Handa na
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read

Agad na nagsagawa ng pagpupulong ang mga response clusters ng Bayan ng Angat upang magkaroon ng maagap na koordinasyon at pagtugon sa banta ng Bagyong #UwanPH.
Ang pagpupulong ay pinamunuan ni MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, na siyang Punong Bayan. Nagbigay-atas si Mayor Bautista na manatiling alerto ang lahat ng ahensya at tiyakin ang kaligtasan ng mga residente na nasa High Risk Areas ng bayan.
Aktibo na ang Emergency Operations Center
Nagbigay rin ng briefing si Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), patungkol sa lakas at direksiyon ng papalapit na bagyo.
Kasama sa mga dumalo sa pagpupulong ang sumusunod na ahensya:
MDRRMO Angat
Angat Rescue Team
MSWDO Angat
PNP Angat

Ayon sa MDRRMO, aktibo na ang Emergency Operations Center upang mas mapabilis ang koordinasyon ng bawat ahensya sa oras ng emergency.
Ipinag-utos din ng Punong Bayan na ihanda na ang Evacuation Center ng Bayan ng Angat para sa posibleng paglikas ng mga residente dahil sa inaasahang hagupit ng Bagyong #UwanPH.
Para sa mga emergency, tumawag lamang sa MDRRMO Hotline: 0923-926-3393 o 0917-710-5087.








Comments