Search
Nov 51 min read
Suplay ng Tubig sa Talbak, Apektado: Teknikal na Problema sa Pump, Inaayos
Kasalukuyang nagsasagawa ng agarang aksyon ang Angat Water District (AWD) upang matugunan ang technical problem na nakaaapekto sa suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Talbak. Ayon sa opisyal na abiso ng AWD, naroon na sa Talbak pumping station ang mga technician mula sa Pump Asia upang suriin at kumpunihin ang nasirang pump . Patuloy na ginagawa ng mga tauhan ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maibalik sa normal ang serbisyo ng suplay ng tubig sa lalong madaling panahon
























