top of page
bg tab.png

Pamahalaang Bayan ng Angat, kaisa sa pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month

ree

ANGAT, BULACAN — Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month na may temang “OSAEC-CSAEM WAKASAN: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!” layuning palakasin ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga at pagtataguyod ng karapatan at kaligtasan ng mga bata.


Pinangunahan ni Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Menchie Bollas ang isang makabuluhang programa na naghatid ng saya at inspirasyon sa mga batang Angateño. Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng iba’t ibang larong pampalakas, pagpapamalas ng talento, at mga gawain na nagpatibay sa pagkakaisa at kasiyahan ng mga kabataan.


Binibigyang-diin ng temang ito ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa mga bata, lalo na laban sa mga banta ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation of Materials (CSAEM). Paalala ito sa lahat na maging mapagmatyag at responsable, upang mapangalagaan ang dignidad at kapakanan ng mga bata—sa tunay man o sa digital na mundo.


Patuloy ang lokal na pamahalaan ng Angat sa pagsusulong ng mga programang naglalayong itaguyod ang karapatan, kaligtasan, at kabutihan ng mga kabataan. Sapagkat sa bawat ngiti at tagumpay ng batang Angateño, nasisilayan ang pag-asa at magandang kinabukasan ng bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page