top of page
bg tab.png

Paalala Patunkol sa Iskedyul ng Koleksyon ng Basura sa Barangay Paltok


ree

Naglabas ng public advisory ang Barangay Paltok upang tiyakin ang maayos na pangongolekta ng basura at mapanatili ang kalinisan sa komunidad.


Mahalaga para sa mga residente na sundin ang itinakdang iskedyul, na nakabatay sa lokasyon ng kanilang purok:


Araw ng Koleksyon

Sakop na Purok

Martes

Purok 3 hanggang Purok 7

Biyernes

Purok 2 hanggang Purok 1

Paalala sa mga Residente:


Hinihikayat ang lahat na huwag maglabas ng basura kung hindi pa araw ng iskedyul ng hakot. Ang pagsunod dito ay makakatulong upang maiwasang kalatin ng mga aso ang basura at maging sanhi ng kalat sa mga kalsada.


Nanawagan ang Barangay Paltok sa lahat ng residente na makipagtulungan at magdisiplina sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page