DokyuBata 2025: Binagbag High School, Kalahok sa Finalists
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read
Updated: 2 hours ago

Hinihikayat ng Municipal Tourism Office (MTO) ng Angat ang buong komunidad na suportahan ang pambato ng bayan, ang Binagbag High School, matapos silang opisyal na mapabilang sa mga finalist ng DokyuBata 2025.
Ang entry ng paaralan, na pinamagatang “De Gulong na Edukasyon,” ay opisyal na kalahok sa patimpalak.
Ang suporta ng publiko ay mahalaga dahil ang kabuuang bilang ng reactions at shares ay bubuo sa 20% ng kabuuang puntos para sa parangal na #DBAudienceChoiceAward.
Paano Bumoto Para sa "De Gulong na Edukasyon":
Hanapin: Bisitahin ang Facebook page ng PHACTO Bulacan.
Mag-react: Hanapin ang poster ng “De Gulong na Edukasyon” at magbigay ng reaction (tulad ng Like, Love, etc.).
I-share: I-share ang post sa inyong timeline.
Ang huling araw ng botohan ay sa Nobyembre 12, 2025, sa ganap na 12:00 PM.








Comments