Bone Screening, Isinagawa para sa Municipal Employees ng Angat
- Angat, Bulacan

- 7 days ago
- 1 min read

Isang bone screening ang isinagawa ng Angat Rural Health Unit (RHU) & Lying-In Clinic para sa mga empleyado ng munisipyo, bilang bahagi ng programa nito para sa kalusugan ng mga kawani.
Ang inisyatiba ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan sa Multicare Pharmaceutical.
Ayon sa post ng RHU, hindi lamang screening ang isinagawa kundi kasama rin ang pagbibigay ng Calcium tablets para sa mga kawaning nagpakita ng sintomas ng Osteopenia at Osteoporosis.
Ang aktibidad ay naglalayong tiyakin at pangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado ng munisipyo, lalo na ang kanilang bone health.








Comments