top of page
bg tab.png

Suplay ng Tubig sa Talbak, Apektado: Teknikal na Problema sa Pump, Inaayos

Kasalukuyang nagsasagawa ng agarang aksyon ang Angat Water District (AWD) upang matugunan ang technical problem na nakaaapekto sa suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Talbak.

Ayon sa opisyal na abiso ng AWD, naroon na sa Talbak pumping station ang mga technician mula sa Pump Asia upang suriin at kumpunihin ang nasirang pump.

Patuloy na ginagawa ng mga tauhan ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maibalik sa normal ang serbisyo ng suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.

"Patuloy pong ginagawa ang lahat ng hakbang upang maibalik sa normal ang suplay ng tubig sa lalong madaling panahon," saad ng ahensya.

Hinihingi ng AWD ang pang-unawa ng mga apektadong residente habang isinasagawa ang pagkukumpuni. Pinapayuhan ang publiko na maging mapagpasensya at magtipid muna sa paggamit ng tubig habang isinasagawa ang operasyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page