Kalahating Araw na Pasok sa Gobyerno sa Setyembre 28, Idineklara Alinsunod sa MC No. 136

Inianunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Angat na suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan simula 1:00 ng hapon sa Setyembre 28, 2026, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng "Kainang Pamilya Mahalaga" Day.
Ang naturang adbokasiya ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 136 na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng pamilya sa lipunan at magbigay ng pagkakataon sa mga kawani ng gobyerno na makasama at makapagsalo-salo ang kanilang mga mahal sa buhay.
Nilinaw ng lokal na pamahalaan, mananatiling bukas at magpapatuloy ang operasyon ng mga tanggapang nagbibigay ng mga batayang serbisyong pangkalusugan, disaster response, at iba pang mahahalagang pampublikong serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at pangangailangan ng mamamayan.
Hinihimok ng LGU Angat ang lahat ng pamilyang Angateño na suportahan at makilahok sa mga inihandang aktibidad ng National Committee on the Filipino Family.










Comments