Lingguhang Clean-Up Drive sa Pagsasara ng Buwan, idinaos sa Barangay San Roque
Updated: 17m

Isinagawa ng pamunuan ng Barangay San Roque ang kanilang huling Weekly Clean-Up Drive para sa buwan ng Oktubre noong Oktubre 31, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, kanal, at iba pang pampublikong pasilidad upang tiyakin ang kalinisan at kaayusan sa buong sakop ng komunidad.
Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang patuloy na pagtutulungan ng mamamayan sa lingguhang linis-baranggay ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang akumulasyon ng basura at banta ng mga karamdaman.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay San Roque sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon sa aktibidad para sa pagtataguyod ng isang malinis, maayos, at ligtas na pamayanan.










Comments