Sa pangunguna ng Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) na si Carla Marie T. Alipio, nagdaos ng makabuluhang pagpupulong ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) para sa 3rd quarter ng taong 2023.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod:
A. MPOC
• Peace and Order Situation (PNP
• Public Safety Report (BFP)
• Insurgency and other AFP Concerns (AFP)
• DILG Issuances (MLGOO)
- DILG MC No. 2023-114: Bantay Presyo, Bantay Peligro: Peaceful and Safe Balik-
Eskwela for School Year 2023-2024
• Role of the Barangay Officials in Probation Law PD 968 and Community Service
Act RA 11362 (Bulacan Parole and Probation Officer)
B. MADAC
• Drug Situation Report (PNP)
• Status of Barangay Drug Clearing Operation (PNP)
• Community-Based Drug Rehabilitation Program & other concerns�(ADAC FP)
• Results of BADAC Functionality Audit (MLGOO)
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga pangunahing isyu ukol sa kapayapaan, kaayusan at kampanya laban sa ilegal na droga sa ating bayan. Pinagtibay ng mga miyembro ang mga hakbang na kanilang isasagawa upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng komunidad.
Nakiisa sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Andrew Tigas, Kon. Ramiro Osorio, PMAJ Mark Anthony San Pedro, F/INSP Ervin Agustin, Probation Officer Cesar Lopez Jr, Designated PIO Aldwin John Fajardo, mga punong barangay at pinuno ng tanggapan ng pamahalaang bayan.
Comments