top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

PARA SA ISANG HANDA, LIGTAS, AT PANATAG SA NAGKAKAISANG BAYAN NG ANGAT

Updated: Apr 23


Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay isinagawa ang monthly meeting para sa buwan ng Marso. Ito ay upang talakayin ang mga naisagawang mga proyekto, programa, at aktibidad para sa unang Quarter ng taong kasalukuyan.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni MGDH1 - MDRRMO G. Carlos R. Rivera Jr. kung saan ang bawat dibisyon ng opisina ay nagbigay ulat sa mga naisagawa at natapos na mga aktibidad.


Nagkaroon rin ng konsultasyon sa mga dibisyon si G. Carlos R. Rivera Jr. para tukuyin ang mga susunod na hakbang gayundin ang plano para sa mga susunod na buwan.

Naging makabuluhan ang naging pagpupulong at isinagawa na ang mga paghahanda para sa mga naitalang programang gagawin sa ikalawang Quarter ng taong kasalukuyan.

Ang pagpupulong ay isinagawa sa Kapeteana Coffee House sa Barangay Taboc.

Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087


Commentaires


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page