Bulacan DRRM Officers Nagpulong para Palakasin ang mga Programa sa Kahandaan at Kaligtasan
- angat bulacan
- Sep 30
- 1 min read

Sta. Maria, Bulacan — Dumalo si Carlos R. Rivera Jr., Municipal Government Department Head I (MDRRMO) ng Bayan ng Angat, sa buwanang pagpupulong ng Bulacan Council of Disaster Risk Reduction and Management Officers na ginanap noong Setyembre 10, 2025, sa MDRRMO Building ng Bayan ng Sta. Maria.
Layunin ng pagpupulong na ito na pag-ibayuhin ang koordinasyon at pagtutulungan ng bawat Municipal DRRM Office sa buong lalawigan upang higit pang mapalakas ang mga programa at hakbang para sa kaligtasan at kahandaan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna.
Ibinahagi ni G. Rivera ang mga programa, proyekto, at aktibidad na matagumpay na naisakatuparan ng Bayan ng Angat, sa pamumuno ng Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista.
Naging makabuluhan ang talakayan sa pagpupulong, kung saan pinag-usapan ang mga susunod na hakbang at inisyatiba upang mas mapatatag ang sistema ng disaster preparedness and response sa buong lalawigan.
Ang naturang pagpupulong ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at malasakit ng mga opisyal ng DRRM sa Bulacan sa hangaring magkaroon ng isang ligtas, handa, at matatag na komunidad.








Comments