top of page
bg tab.png

Angat MDRRMC, Nagsagawa ng 3rd Quarter Meeting para sa Patuloy na Paghahanda sa Sakuna

ree

Angat, Bulacan — Isinagawa ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang 3rd Quarter Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Meeting upang talakayin ang mga nagawa, kasalukuyang programa, at mga planong proyekto ng konseho para sa kaligtasan at kahandaan ng mamamayan ng Angat.


Pinamunuan ang pagpupulong ni G. Carlos R. Rivera Jr., Municipal Government Department Head I (MDRRMO), kasama ang mga miyembro ng konseho.


Mga Paksa sa Talakayan

Tinalakay sa pagpupulong ang mga sumusunod na agenda:

  1. Accomplishment Report

    • Disaster Prevention and Mitigation

    • Disaster Preparedness

    • Disaster Response

    • Disaster Rehabilitation and Recovery

  2. Upcoming Projects, Programs, and Activities

  3. Weather Update for 4th Quarter

  4. Re-alignment of Budget

  5. Other Matters


Mga Natapos na Programa at Aktibidad

Ayon kay G. Rivera, matagumpay na naisagawa sa ilalim ng Disaster Prevention and Mitigation ang paglilinis at pagpapalalim ng mga drainage canals at de-clogging ng mga sapa sa mga barangay ng Laog, Donacion, San Roque, Taboc, at Pulong Yantok.Nagsagawa rin ng dalawang joint tree growing activities katuwang ang Nutrisyon Angat at Angat Local Youth Development Council (LYDC).


Sa aspeto naman ng Disaster Preparedness, naisagawa ang serye ng mga pagsasanay at pagpupulong para sa mga kawani at sektor ng komunidad. Kabilang dito ang:

  • Basic Life Support – Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) with AED Training para sa mga empleyado ng LGU

  • First Aid Training para sa mga miyembro ng 4Ps

  • Standard First Aid Training para sa mga Emergency Frontliners

  • Emergency Basic Life Support Training para sa mga estudyante ng DepEd Angat

  • Basic Incident Command System para sa mga miyembro ng konseho

Bukod dito, nagsagawa rin ang tanggapan ng mga drill at Information and Education Campaign (IEC) upang mas mapalakas ang kamalayan ng publiko sa tamang paghahanda sa panahon ng sakuna.


Iba Pang Usapin

Tinalakay din ang mga isyu ukol sa suspensyon ng klase, kung saan nilinaw ng DepEd Angat ang mga alituntunin na kanilang sinusunod — bagay na sinang-ayunan ng konseho.

Samantala, inihayag sa weather update na ang bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng La Niña Alert Status, kaya’t inaasahan ang madalas na pag-ulan sa huling bahagi ng taon.


Mga Dumalo

Dumalo sa pagpupulong sina Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, Punong Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairman; Hon. William Vergel de Dios; Hon. Blem Junio Cruz; at Hon. Andro Tigas, Chairman ng Committee on Disaster ng Sangguniang Bayan.

Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan at mga Civil Society Organizations (CSOs) na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng MDRRMO.


Ang nasabing pagpupulong ay bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang matiyak ang kaligtasan, kahandaan, at katatagan ng komunidad sa harap ng mga sakuna at hamon ng kalikasan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page