Sa isang makabuluhang pag-unlad na naglalayong pahusayin ang kalidad ng buhay ng mga Angatenyo, ang Lokal na Pamahalaan ng Angat at MERALCO (Manila Electric Railroad and Light Company) ay nagsama-sama para gawing pormal ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na nakatuon sa pagpapabilis ng serbisyo ukol sa instilasyon ng kuryente sa bawat kabahayan at pagpapatibay ng mga hakbang upang labanan ang pandaraya.
Ang nasabing MOA ay binibigyang-diin ang pagpapabilis na matugunan ang mga pangangailangan sa elektripikasyon ng Angat at tinitiyak na ang mga residente ay makagagamit ng maaasahan at ligtas na serbisyo ng MERALCO.
Pinangunahan ito ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan Members, Roberto Capule (Head, Plaridel Sector), Emmanuel S. De Jesus (Head, Sta. Maria Business Center), Atty. Leoponville Gitau (Legal Counsel, Local Government and Special Projects) Municipal Administrator Noel C. Alquino at mga Pinuno ng Tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Ang MOA signing ceremony ay isinagawa sa ating Municipal Conference Room.
Comentários