Search


MENRO Angat, Nakiisa sa Pambansang Pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month 2026
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat), sa taunang pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month ngayong buwan ng Setyembre 2026. Alinsunod sa probisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), layunin ng pagdiriwang na palakasin ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng kawayan bilang isang mahalagang likas na yaman na nag-aambag sa pagbuo ng mas luntian, matatag, at napapana
Sep 261 min read


Barangay Niugan, Muling Nagkaisa sa Pagsasagawa ng Clean-Up Drive
Ipinagpatuloy ng Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay Niugan ang kanilang regular na programang pangkalinisan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 26, 2026. Nakasentro ang aktibidad sa paglilinis ng mga pangunahing daanan, kanal, at mga pampublikong pasilidad sa buong komunidad upang tiyakin ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbara ng mga basurang pwedeng panggalingan ng mga peste at sakit. Ang patuloy na inisyatibong
Sep 261 min read


Pamahalaang Bayan ng Angat, Pinagtibay ang mga Panukalang Badyet para sa Taong 2027
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang 2027 Budget Finalization sa New Municipal Conference Room upang suriin at pagtibayin ang mga panukalang badyet ng iba't ibang tanggapan para sa susunod na taon. Layunin ng aktibidad na tiyakin ang maayos at angkop na pagpaplano ng mga programa, proyekto, at serbisyong pampubliko na ipatutupad para sa taong 2027 upang makarating ang tamang tulong at serbisyo sa mga mamamayan. Dinaluhan ang mahalagang pagtitipon nina Punong Bayan Igg
Sep 251 min read


Pagkuha ng mga Dokumento sa PSA, mas Pinadali sa BREQS Outlet ng Angat LGU
Inianunsyo ng Angat Municipal Civil Registry Office (MCR) na patuloy na bukas ang kanilang Batch Request Entry System (BREQS) Outlet para sa mga mamamayang nais magkaroon ng opisyal na kopya ng kanilang PSA Civil Registry Documents tulad ng Birth, Marriage, Death Certificate, at CENOMAR. Matatagpuan ang naturang pasilidad sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat at bukas para magproseso ng mga kahilingan mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ayon sa MCR, mayroong dalawang l
Sep 251 min read


PESO Angat, Naghatid ng Livelihood Workshop
Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang Skills and Livelihood Training in Meat Processing para sa mga kasapi ng Angat Kalusugan nitong Setyembre 24, 2026, sa New Barangay Hall ng Barangay Donacion, Angat, Bulacan. Sa tulong ng TESDA Accredited Trainer na si Lea Ocampo, natutunan ng mga kalahok ang wastong paggawa ng iba't ibang produktong karne tulad ng tocino, skinless longganisa, nuggets, at Canadian loaf. Layunin ng inisyatibang ito na mabigyan ng ka
Sep 251 min read


Opisyal ng Kinilala ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga Event Partner ng GulayAngat Festival 2026
Kinilala ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga katuwang na kumpanya at establisimyento na magsisilbing opisyal na Event Partners sa iba't ibang tampok na aktibidad ng GulayAngat Festival 2026. Pinasalamatan ang REGASCO – Republic Gas Corporation bilang opisyal na partner sa "Hapag ng Pamana," samantalang ang Smart naman ang magiging katuwang sa pagtataguyod ng "GulayAngat Food Park." Kabilang din ang Tatakan Station at Ambassador Prestige Salon para naman sa "Lakbay-Takbong
Sep 241 min read


Pangangalaga sa mga Ina: Buntis Party, Isinagawa sa Barangay Sto. Cristo
Matagumpay na isinagawa ang Buntis Party sa Barangay Sto. Cristo Health Station sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit (RHU Angat) para sa mga nagdadalang-taong ina sa komunidad. Naging katuwang sa pagtataguyod ng naturang programang pangkalusugan sina Dr. Rick Vdcnts, MedTech Aileen, kasama sina Margarita at Alice mula sa RHU Angat, upang magbigay ng kaalaman, pagsusuri, at gabay ukol sa ligtas na pagdadalang-tao at wastong pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol. Buo
Sep 241 min read


ALBO-Bulacan Chapter, Nagdaos ng Monthly Meeting sa Bayan ng Angat
Ginanap sa Bayan ng Angat ang buwanang pagpupulong ng Association of Local Budget Officers (ALBO)-Bulacan Chapter, na dinaluhan ng mga Local Budget Officers mula sa iba't ibang bayan at lungsod sa buong lalawigan ng Bulacan. Pinangunahan ni Angat Municipal Budget Officer Leni D. Enriquez ang naturang pagtitipon na naglalayong patatagin ang ugnayan, koordinasyon, at pagbabahaginan ng kaalaman ng mga opisyal ukol sa wastong pamamahala ng pondo ng mga lokal na pamahalaan. Nagpaa
Sep 241 min read


Maligayang Kaarawan, Hendrix Sumaway!
Nagpaabot ng mainit na pagbati sa kaarawan ang Business Permits and Licensing Office (BPLO Angat) para sa kanilang kawani na si Hendrix Sumaway. Sa pamamagitan ng isang mensahe, inihayag ng tanggapan ang kanilang hangarin na maging puno ng saya, pagmamahal, biyaya, at magagandang oportunidad ang kanyang buhay at karera. Hiling din ng pamunuan ang magandang kalusugan at tagumpay sa lahat ng kanyang mga pangarap.
Sep 231 min read


Career Development Support Program ng PESO Angat, Idinaos sa Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School
Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang morning session ng Career Development Support Program (CDSP) para sa mga mag-aaral ng Grade 10 at namahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials sa Grade 12 sa Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan. Sa patuloy na suporta ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, naitampok bilang resource speaker si Mr. Peter Jaimond B. Matulac mula sa Department
Sep 221 min read


Higit 2,500 Slots sa Trabaho, Inihahandog ng E3M Elite Resources OPC
Nag-alok ng higit 2,500 na oportunidad sa trabaho ang E3M Elite Resources OPC sa pakikipagtulungan sa Public Employment Service Office (PESO Angat) para sa iba't ibang posisyon sa bodega at production sa buong lalawigan ng Bulacan. Kabilang sa mga bakanteng posisyon ang mga sumusunod: Sorters (500 openings) Repackers (500 openings) Helpers (500 openings) Drivers / Delivery Riders (500 openings) Utilities (200 openings) Team Leaders (200 openings) Warehouse Personnel (200 op
Sep 221 min read
BPLO Angat, Naglabas ng Mahalagang Pabatid para sa mga Pumasok na Merchants
Nagpalabas ng mahalagang abiso ang Business Permits and Licensing Office (BPLO Angat) para sa mga negosyanteng nagpasa ng kanilang impormasyon sa ginawang pre-registration link at QR code. Ayon sa BPLO, tatawagan ang mga napiling merchants mula Setyembre 21 hanggang Setyembre 23, 2026, upang ipaalam ang kanilang pagkatanggap at ipaalala ang nakatakdang unang pagpupulong (first meeting) na gaganapin sa Setyembre 25, 2026. Ipinabatid din ng tanggapan na makatatanggap din ng men
Sep 221 min read


World Clean-Up Day 2026, Matagumpay na Ipinagdiwang sa Lahat ng Barangay sa Angat
Nakiisa ang buong Bayan ng Angat sa pandaigdigang pagdiriwang ng World Clean-Up Day 2026 sa pamamagitan ng isang malawakan at sabay-sabay na paglilinis ng kapaligiran sa lahat ng barangay nitong Sabado, Setyembre 19, 2026. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat), nagbuklod-buklod ang mga opisyal ng barangay, kabataan, at mga residente upang linisin ang mga kalsada, pampublikong pasilidad, at mga kanal sa kani-kanilang komu
Sep 221 min read


Job Hiring: TeleworkPH, Naghahanap ng CSR at L&D Facilitator
Nagbukas ng mga bagong oportunidad sa trabaho ang Public Employment Service Office (PESO Angat) sa pakikipagtulungan sa TeleworkPH para sa mga nagnanais magtrabaho sa San Rafael, Bulacan. Naghahanap ang naturang kumpanya ng mga qualified na aplikante para sa mga posisyong Customer Service Representative (CSR) at Learning & Development Facilitator: Customer Service Representative (CSR): Kinakailangang mayroong hindi bababa sa anim (6) na buwang karanasan sa customer service (v
Sep 221 min read


Limang Mag-aaral sa Marungko, Tumanggap ng Tulong-Pinansyal sa Ilalim ng Bagong Pilipinas Presidential Scholars Program
Pormal nang naipamahagi ng Pamahalaang Barangay ng Marungko ang tulong-pinansyal mula sa programang Bawat Barangay Makikinabang (BBMP) para sa limang piling mag-aaral sa kolehiyo na ginawaran bilang Bagong Pilipinas Presidential Scholars. Ayon sa pamunuan ng barangay, ang pagiging bahagi ng mga napiling iskolar ay hindi lamang simpleng pagkilala sa talino at sipag ng mga kabataan, kundi isang malinaw na patunay ng kanilang dedikasyon, tiyaga, at pangarap na maging bahagi ng p
Sep 211 min read





