Mayor Reynante S. Bautista, Nagbigay-Premyo sa 20 Nanalo ng Christmas Challenge
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Inanunsyo ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista ngayong araw, Disyembre 2 ang dalawampung (20) nanalo sa kanyang online challenge na may temang "hiling ni Mayor Jowar sa darating na Pasko."
Ang anunsiyo ay nagsilbing "bwena mano" o pambungad na aktibidad ng Punong Bayan para sa buwan ng Kapaskuhan.
Ang mga nanalo ay ang mga indibidwal na matagumpay na nakapag-komento ng tamang sagot sa katanungan at nakasunod sa lahat ng mechanics na itinakda sa paligsahan.
Bawat isa sa 20 nanalo ay tatanggap ng papremyong P300 na Gcash Load bilang pagkilala sa kanilang pakikilahok.
Ayon sa pahayag ni Mayor Bautista, pinapayuhan ang mga nagwagi na abangan ang pagkontak ng staff ng Munisipyo upang mai-proseso at maipadala ang kanilang premyo.








Comments