Patuloy na Pamamahagi ng Binhing Palay, Isasagawa ng MAO Angat sa Dec. 4
- Angat, Bulacan

- 17 hours ago
- 1 min read

Inanunsyo ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat, Bulacan ang pagpapatuloy ng kanilang programa sa pamamahagi ng binhing palay para sa mga magsasaka sa bayan.
Ayon sa abiso, inaanyayahan ang mga magsasakang benepisyaryo na magsadya sa PIRE (Pondohan Integrated Research Extension), Sta. Lucia, Angat.
Magaganap ang pamamahagi bukas, ika-4 ng Disyembre, araw ng Huwebes.
Ang iskedyul ng pamamahagi ay mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.








Comments