MDRRMO Angat, Nagsagawa ng 5-Araw na Training for Instructor (TFI) Course
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Sinimulan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Angat ang isang limang (5) araw na Training for Instructor (TFI) Training Course na naglalayong palakasin ang disaster preparedness at response capability ng bayan.
Ang pagsasanay ay isinasagawa mula ika-1 ng Disyembre hanggang ika-5 ng Disyembre.
Nilahukan ang TFI training ng mga indibidwal mula sa mahahalagang ahensiya ng bayan, kabilang ang, Angat Rescue, Angat DepEd District, BFP Angat at Angat RHU.
Ang pagsasanay ay pinamunuan ng mga opisyal mula sa Bulacan Provincial Risk Reduction and Management Office.
Pangunahing layunin ng TFI Training Course ay magbigay ng kaalaman, kakayahan, at kasanayan sa mga lalahok upang sila ang maging susunod na Instructor ng Bayan ng Angat.
Ang inisyatiba ng MDRRMO na ito ay isinagawa upang mapalawig ang kakayahan ng mga ahensya na magpalaganap ng kaalaman sa iba't-ibang sektor ng Angat, na titiyak sa sustainable at effective na disaster risk reduction management (DRRM) sa munisipalidad.








Comments