Angat LGU, Pinarangalan si Janah Olivia M. Racar na Top 5 sa OT Licensure Exam
- Angat, Bulacan

- 16 hours ago
- 1 min read

Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat kay Janah Olivia M. Racar matapos nitong makamit ang natatanging Ikalimang Pwesto (Top 5) sa Occupational Therapists Licensure Examination na isinagawa ngayong Disyembre 2025.
Inihayag ang pagbati ng Munisipyo ngayong araw, Disyembre 3, kasabay ng pagpupugay sa tagumpay ni Racar na nagdala ng karangalan sa bayan.
Ayon sa pahayag ng LGU, inaasahan na ang tagumpay ni Racar ay magsisilbing "puhunan para sa matibay na dedikasyon at husay sa propesyon upang ialay sa paglilingkod sa kapwa."
Hiniling din ng Pamahalaang Bayan na patuloy siyang maging huwaran ng sipag, integridad, at propesyunalismo para sa kabataang Angateño.








Comments