top of page
bg tab.png

Zumba Taboc Movers, Mangunguna sa muling Paghataw sa Zumba Nights sa Angat Food Park

Oct 15
1 min read

Muling magpapatuloy ang masiglang gabi sa Angat Food Park 2026 sa muling pagtatanghal ng pampublikong Zumba Nights ngayong Oktubre 15, 2026.


Sa pagkakataong ito, ang grupo ng Zumba Taboc Movers ang mangunguna sa paghahatid ng masayang pagsasayaw at pag-eehersisyo para sa mga bumibisita sa Food Park.


Ang patuloy na pagsasagawa ng Zumba Nights ay layuning maghatid ng masayang libangan at isulong ang aktibo at malusog na pamumuhay sa komunidad, habang hinihikayat ang mga mamamayan na tangkilikin ang mga lokal na kainan at negosyo sa bayan.


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng mga pamilya, kabataan, at residente na makisali sa pagsasayaw at makiisa sa patuloy na pagdiriwang sa Angat Food Park 2026.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page