Zumba Niugan Family, Pangungunahan ang Zumba Night sa Angat Food Park

Muling mapupuno ng sigla at galaw ang Angat Food Park 2026 sa panibagong edisyon ng Zumba Night na nakatakdang idaos ngayong Biyernes, Oktubre 16, 2026.
Para sa gabing ito, ang Zumba Niugan Family ang magsisilbing lead instructors upang gabayan ang mga mamamayang Angatenyo sa dalawang oras na masayang pag-eehersisyo at pagsasayaw.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang patuloy na pagsasagawa ng Zumba Nights sa Food Park ay naglalayong isulong ang malusog na pamumuhay at pagkakaisa sa komunidad, habang nagbibigay ng magandang oportunidad sa mga mamamayan na tangkilikin ang mga lokal na food merchants sa bayan matapos mag-ehersisyo.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng pamilya, kabataan, at nagnanais mag-ehersisyo na dumalo at makiisa sa masayang gabi ng sayawan at kainan.










Comments