top of page
bg tab.png

Zumba Nights, Pormal na Nagbukas sa Angat Food Park 2026

Oct 10
1 min read

Inihayag ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Angat, Bulacan ang pagsasagawa ng Zumba Nights bilang bahagi ng opisyal na pagbubukas ng Angat Food Park 2026 sa Oktubre 12, 2026.


Gaganapin ang masiglang aktibidad sa New Municipal Grounds (Food Park Area) mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM, kung saan nakisabay sa galaw at indak ang mga mamamayan kasama ang Happy Zumba Group at Angat Zumba Team.


Ayon sa BPLO Angat, naglalayon ang aktibidad na maghatid ng masayang pagsisimula sa mga programa ng Food Park 2026, pati na rin ang pagtataguyod ng malusog na pamumuhay at pampamilyang bonding sa bayan.



Inaanyayahan ng tanggapan ang lahat ng mga Angatenyo na patuloy na bisitahin ang Angat Food Park 2026 upang mag-enjoy sa iba't ibang pagtatanghal at tangkilikin ang mga lokal na kainan at negosyo kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page