Zumba Central Family Sulucan, Mangunguna sa Zumba Night sa Angat Food Park

Muling maghahatid ng masayang gabi ng sayawan at pag-eehersisyo ang Lokal na Pamahalaan ng Angat sa gaganaping Zumba Night ngayong Lunes, Oktubre 19, 2026, sa Angat Food Park 2026.
Para sa gabing ito, ang grupo ng Zumba Central Family Sulucan ang mangunguna sa dance floor upang gabayan ang mga mamamayang Angatenyo sa masiglang pagsasayaw.
Ang patuloy na pagsasagawa ng Zumba Nights ay naglalayong magbigay ng magandang pagkakataon sa mga pamilya at magkakaibigan na magkaroon ng kapaki-pakinabang na gawaing pangkatawan, habang hinihikayat ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga lokal na negosyo at kainan sa Food Park.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buong komunidad na dumalo at makiisa sa masayang gabi ng bonding, sayawan, at kainan kasama ng mga mahal sa buhay.










Comments