top of page
bg tab.png

Year End Party ng mga Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa Taong 2022


Nagbalik sa kapanahunan ng dekada '80 ang tema ng katatapos lamang na Year End Party ng mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan ng Angat para sa taong 2022. Isang gabing di malilimutan sapagkat puno ng kagalakan at sorpresa ang handog ng ating mga opisyales sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista.



Nagtagisan naman ng galing sa pagsayaw ang walong kalahok mula sa iba't ibang departamento. Nakamit ang Grand Prize ng grupo mula sa ating Municipal Health Office, nakuha naman ang ikalawang pwesto ng mga kawani mula sa LCR, Assessor, MENRO, DA, at Market. Ikatlong pwesto naman ang Mayor's Office, HR, at PESO.



Dumalo rin ang ating kinatawan ng ika-anim na Distrito ng Bulacan, Salvador "Ka Ador" Pleyto na nagdagdag ng kasiyahan at papremyo maging ng kanyang mga pagsisikap para sa ating Bayan. Ito ay ginanap sa FF Subdivision Clubhouse, Sta. Cruz, Angat, Bulacan.



Mula po sa Pamahalaang Bayan ng Angat, kami po ay taos pusong bumabati sa inyo ng isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat.

3 views0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page