top of page
bg tab.png

Year-End Party 2025 ng Barangay Niugan, Naging Matagumpay



Masayang ipinagdiwang ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang Year-End Party 2025 bilang pasasalamat sa isang taong puno ng serbisyo at pagkakaisa.


Ang pagtitipon ay pinangunahan ni Punong Barangay Hon. Roberto Maximo, kasama ang mga Kagawad, kawani ng barangay, at mga force multipliers. Layunin ng selebrasyon na bigyang-pugay ang dedikasyon ng bawat isa sa pagtataguyod ng mga proyekto at programa para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Niugan sa buong taon.


Naging tampok sa okasyon ang simpleng salu-salo at pagpapalitan ng regalo na lalong nagpatibay sa samahan ng mga lingkod-bayan. Sa mensahe ni PB Maximo, kaniyang pinasalamatan ang lahat sa kanilang tapat na paglilingkod at hinimok ang bawat isa na magpatuloy sa pagbibigay ng maayos na serbisyo para sa darating na taong 2026.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page