top of page
bg tab.png

Yakap at Kalinga para sa mga Solo Parent ng Angat, Ipinamalas sa Isang Makabuluhang Pagtitipon


Sa isang pagtitipong puno ng pag-asa at pagkilala, binigyang-pugay ng Lokal na Pamahalaan ng Angat ang katatagan ng mga solo parent sa ginanap na pagdiriwang ng National Solo Parent Day sa Angat Municipal Gymnasium.


Dala ang temang “Hindi ka nag-iisa sa iyong pag-iisa: Yakap at kalinga para sa Solo Parent,” layunin ng programa na magbigay ng kalinga at praktikal na suporta sa mga magulang na buong tapang na ginagampanan ang kanilang tungkulin para sa pamilya.


Bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman sa pangangalaga ng kalusugan, nagbigay ng mahalagang talakayan si Dra. Miel Fanco ukol sa programang PhilHealth YAKAP (Para Malayo sa Sakit). Binigyang-diin sa naturang diskusyon ang kahalagahan ng pagiging health-conscious ng bawat pamilya upang masigurong malayo sa anumang karamdaman ang mga mahal sa buhay.


Kasabay nito, isang konkretong hakbang ang isinagawa ng pamahalaan upang pagaanin ang pasanin ng mga magulang: ang distribusyon ng educational assistance sa 353 solo parents. Ang tulong na ito ay inilaan upang makatulong sa pagtataguyod ng kinabukasan at pag-aaral ng kanilang mga anak.


Ang matagumpay na programa ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma’am Menchie Bollas, katuwang ang Solo Parents Federation sa pangunguna naman ni Ms. Jonalyn Batugon.


Dumalo at nagpakita rin ng buong suporta ang Punong Bayan na si Mayor Reynante Bautista, kasama ang iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page