Ngayong World Mental Health Month, anumang laban na ating pinagdadaanan, mahalaga na magkaroon ng kapahingaan at kapayapaan ang ating isip at puso.
Marahil maraming mga bagahe na ikinakarga ang mundo mula sa mga personal na dalahin, pampamilyang usapin at sa mga nangyayari sa bansa. Nagiging mabigat ang laban. Gayunpaman, hayaan mong maging isang paalala ito na lahat ng bitbit natin ay nagiging magaan kung magkakasama. Mayroong mga pusong handa tayong abutin at pakinggan ano man ang ating pinagdadaanan.
Sa panahon na kailangan natin ng kausap o payo, bukas ang mga sumusunod na linya ng Department of Health - National Mental Health Crisis Hotline na handa tayong pakinggan:
Luzon-wide landline toll free - 1553
Globe/TM subscribers:
0966-351-4518
0917-899-8727
Smart/Sun/TNT subscribers:
0908-639-2672
Bukas din ang tanggapapan ng inyong lingkod sa anumang tulong na maaari nating maihatid sa lahat ng nakararanas ng mental health concerns. Dahil walang malaking problemang hindi natin kayang malagpasan nang magkakasama. Keep going;
Comments