Kaalinsabay sa pagdiriwang ng "World Habitat Day," na may tema na pinamagatang " Resilient Urban Economies. Cities as Drivers of Growth and Recovery". Ang tanggapan ng MENRO Angat ay nakiisa sa mga inisyatiba upang lumikha ng mga berdeng urban landscape gamit ang pamamaraan ng pagtatanim ng mga puno ng kawayan. Nakiisa sa isinagawang "Tree Planting Activity" ang mga tauhan ng PENRO, CENRO, SEPAR, GENETRON, at ilang mga opisyal ng barangay , ang samasamang pagtatanim ng kawayan sa gilid ng Angat River sa Barangay Laog, Angat ngayong araw ng biyernes ika -6 ng Oktubre, 2023.
Ang pagsasagawa ng mga ganitong mga pang-kalikasang akibidad ay isinusulong upang makamit ang pangmatagalang epekto at nagpapanatili ng kaunlaran para sa mga komunidad at sa Inang Kalikasan.
Comentarios