MENRO, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony sa Pamahalaang Bayan ng Angat
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read

Pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Bayan ng Angat ngayong umaga.
Nakiisa sa nasabing seremonya sina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin Agustin, at sina Konsehal JP Solis at Konsehal Blem Cruz. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Angat PNP at Angat BFP, kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan at lahat ng kawani ng munisipyo.

Ang lingguhang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng disiplina at pagkakaisa sa paglilingkod sa mga Angateño. Sa mensahe ng lokal na pamahalaan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor upang masiguro ang maayos at tapat na serbisyo para sa bayan.









Comments