top of page
bg tab.png

World Clean-Up Day 2026, Matagumpay na Ipinagdiwang sa Lahat ng Barangay sa Angat

Sep 22
1 min read

Nakiisa ang buong Bayan ng Angat sa pandaigdigang pagdiriwang ng World Clean-Up Day 2026 sa pamamagitan ng isang malawakan at sabay-sabay na paglilinis ng kapaligiran sa lahat ng barangay nitong Sabado, Setyembre 19, 2026.


Sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat), nagbuklod-buklod ang mga opisyal ng barangay, kabataan, at mga residente upang linisin ang mga kalsada, pampublikong pasilidad, at mga kanal sa kani-kanilang komunidad.

Dala ang temang "Malinis na Kapaligiran, Mas Magandang Kinabukasan!", layunin ng nasabing aktibidad na buhayin at palakasin ang diwa ng bayanihan tungo sa pagpapanatili ng malinis, maayos, at ligtas na pamayanan.


Nagpaabot ng pasasalamat ang MENRO Angat sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng malasakit sa kalikasan, sabay panawagan sa patuloy na pagtutulungan ng bawat mamamayan para sa mas malinis at mas progresibong Bayan ng Angat.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page