top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive sa Tubao-Valarao St., Matagumpay na Isinagawa


Muling nagkaisa ang pamunuan ng barangay at mga residenteng boluntaryo sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive nitong araw ng Sabado, May 2, 2026 sa kahabaan ng Tubao-Valarao St.


Ang lingguhang paglilinis na ito ay bahagi ng patuloy na adbokasya upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang kapaligiran ng komunidad. Sa tulong ng mga nakiisang mamamayan, matagumpay na nalinisan ang mga gilid ng kalsada at mga daluyan ng tubig sa nasabing kalye.


Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ng pamunuan sa lahat ng mga kabarangay na nag-alay ng kanilang oras, lakas, at kooperasyon. Ang ganitong uri ng bayanihan ay patunay ng pagkakaisa tungo sa mas malinis at mas masiglang pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page