Weekly Clean-Up Drive sa Pulong Yantok, Tuloy-tuloy
- Angat, Bulacan

- Feb 7
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kalinisan at kalusugan ng publiko, muling isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-7 ng Pebrero, 2026.
Sa ilalim ng pamumuno ng Sangguniang Barangay at sa pakikipagtulungan ng mga barangay workers, tanod, at mga volunteer na residente, nilinis ang mga pangunahing kalsada, baradong kanal, at mga pampublikong lugar sa iba't ibang purok ng barangay.









Comments