Weekly Clean-Up Drive: Pagdadamo at Pagsasaayos ng HAPAG, Isinagawa sa Barangay San Roque
- Angat, Bulacan

- Jul 20
- 1 min read

Patuloy ang Pamahalaang Barangay ng San Roque sa pagtataguyod ng malinis at masustansyang komunidad matapos nitong matagumpay na idaos ang Weekly Clean-Up Drive nitong Hulyo 18, 2026.
Nakalimita ang naging pokus ng lingguhang inisyatibong ito sa pagdadamo ng mga pampublikong pasilidad at sa patuloy na pag-aalaga at pagsasaayos ng HAPAG.
Sama-samang nagtulong-tulong ang mga opisyal, barangay workers, at mga boluntaryo upang isagawa ang mga sumusunod:
Pagdadamo at Pag-aayos ng Paligid: Paggawa ng pagdadamo sa paligid ng mga pangunahing daanan at bakanteng lote upang mapanatiling malinis at maiwasan ang pangingitlog ng mga pesteng nagdadala ng sakit.
Pagaalaga sa HAPAG Garden: Pagtatabas ng damo, pag-aayos ng mga plot ng pananim, at pagpapanatili ng maayos na kalagayan ng mga gulay at halaman para sa sustained food security ng barangay.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Sangguniang Barangay ng San Roque sa lahat ng nakiisa at naglaan ng lakas at oras para sa lingguhang gawaing ito.
Binigyang-diin ng pamunuan na ang patuloy na pagreresponde sa kalinisan at pagsuporta sa HAPAG ay susi upang mapanatiling ligtas, masustansya, at maayos ang pamumuhay ng bawat pamilya sa Barangay San Roque.









Comments