Weekly Clean-Up Drive, Muling Isinagawa sa Brgy. Sta. Cruz
- Angat, Bulacan

- Jun 13
- 1 min read

Patuloy ang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Barangay Sta. Cruz matapos muling isagawa ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong nakaraang Sabado, Hunyo 13, 2026.
Ang lingguhang aktibidad na ito ay bahagi ng serye ng paglilinis ng barangay para sa buwan ng Hunyo upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng buong komunidad laban sa mga banta ng sakit na dala ng pabago-bagong panahon.
Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, at mga residenteng boluntaryo, binigyang-pansin sa operasyong ito ang pagpupulot ng mga plastik na basura sa mga tabing-daan at ang pagtiyak na walang nakaimbak na dumi sa mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.
Muli namang nanawagan ang pamunuan ng barangay sa mga residente na ugaliin ang tamang pagbubukod ng basura sa kani-kanilang mga kabahayan upang mapanatiling maayos at malinis ang Brgy. Sta. Cruz linggo-linggo.









Comments