Weekly Clean-Up Drive, Matagumpay na isinagawa sa Central-Tubao, Barangay Sulucan

Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente ng Barangay Sulucan sa ginanap na Weekly Clean-Up Drive sa Central-Tubao nitong Sabado, Agosto 8, 2026.
Ipinagpatuloy ng barangay ang regular na gawaing ito upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong komunidad. Naging pangunahing pokus sa paglilinis ang pag-aalis ng mga basurang pwedeng paitlogan ng mga lamok, pagwawalis sa mga pampublikong daanan, at paglinis sa mga kanal at daluyan ng tubig sa lugar.
Nagpaabot ng malaking pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa ipakitang kooperasyon ng mga mamamayan para sa patuloy na kalinisan at kaayusan ng kanilang kapaligiran.










Comments